Friday, November 5, 2010

San Leonardo Dream Academy

Dream-Academy-LogoIsang malugod na pagbati!

Ang isa po sa proyekto ng ating minamahal na Punong Bayan, MAYOR FROILAN "ELAN" NAGAÑO, sa pakikipagtulungan ng DepEd, Distrito ng San Leonardo, ay muling idadaos sa buwang kasalukuyan, ito po ang "SAN LEONARDO DREAM ACADEMY 2010" na kung saan ay nasa ikaapat ng hanay.

Ang lahat ay inaanyayahan upang lumahok sa pagsubok (AUDITION) sa kanya kanyang kakayahan na sisimulan sa ika-8 ng Nobyembre 2010 Lunes, hanggang ika-10 ng Nobyembre Biyernes, at ito ay gaganapin sa SAN LEONARDIANS GYMNASIUM tuwing ika-3 ng hapon hanggang ika-6 ng gabi.

Ang paligsahan ay bubuuin ng Isahang Tinig (Junior at Senior Division), sayaw ng Grupo (Junior at Senior Division) at Solo Instrumento. Lahat ng sasali ay pinapayuhan na magdala ng kanilang Sertipiko ng Kapanganakan (BIRTH CERTIFICATE) upang mailagay siya sa tamang kategorya at Sertipikasyon buhat sa Punong Barangay na magpapatunay na siya nga ay  naninirahan sa barangay na yaon. Gayundin, nararapat na sila ay magdala ng kani-kanilang CD o minus one sa oras ng kanilang pagkuha ng audition. Ang iba pang mga bagay na dapat malaman ay ipapaliwanag ng aming komite sa oras ng audition.


Muli, aming inaasahan ang inyong pakikiisa at hinihiling din namin na ito ay ipaabot sa kabatiran ng lahat ng inyong nasasakupan upang ang lahat ng mga interesado ay magkaroon ng pagkakataong subukin ang kanilang taglay na kakayahan.

Maraming Salamat Po,
Mula sa Tanggapan ng Punong Tagapamahala

No comments:

Post a Comment